Dear Abante Tonite:
Nakakadismaya itong balita na may mga driver ng pampublikong sasakyan ang gumagamit ng iligal na droga. Bukod sa droga, may mga driver din na maraming traffic violation pero patuloy pa ring nakakapagmaneho.
Kawawa ang publiko sa mga ganitong driver. Nilalagay nila sa panganib ang buhay ng kanilang mga pasahero.
Kung ako po ang tatanungin dapat obligahin ang bawat driver ng mga public utility vehicle na sumailalim sa surprise drug test. Hindi isang beses lang kundi regular pero sa panahon na mabibigla sila para walang kawala ang gumagamit ng droga.
Kapag kasi inaanunsyo ay makagagawa ng paraan ang mga adik sa kanila.
Makakalusot sa drug test at tuloy ang ligaya nila sa pagmamaneho habang bangag sa droga.
Sa mga pasaway o palaging may traffic violation dapat patawan na sila ng mabigat na parusa. Pinaglalaruan na nila ang batas dapat maturuan na sila ng leksyon.
Kalusin na po ang mga pasaway na driver bago pa humantong tayo sa mas malalaking sakuna sa lansangan.
Anthony
San Andres, Manila