TIYAK na masisiyahan ang mga karerista ngayong araw dahil sa hinain na magagandang karera sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Tampok ngayong Linggo, Marso 17, ang bakbakan sa 2019 Philracom “4-Year-Old- & Above Open Stakes Race kung saan walong tigasing kabayo ang mag-uunahan para sikwatin ang tumataginting na P300,000 premyong nakalaan sa 1,400-meter race.
Markado sina Salt And Pepper at magkakamping Cerveza Rosas at Son Also Rises subalit ayon sa mga dehadista ay balikatan ang kanilang inaasahan sa nasabing stakes race.
“Si Lakan may panalo ‘yan at ibang mga kalahok, lahat kasi ‘yan naghanda kaya palaban mga kasali diyan,” hayag ni Joselito Aguila, 35 years nang karerista.
Ang ibang kasali ay sina coupled-entries Gomper Girl at Summer Romance at Lemon Drop Title at Smokin Saturday.
May nakalaan ding P112,500, P62,500 at P25,000 para sa second, third at fourth placers, ayon sa pagkakahilera.
Tatanggap din ng P15,000 ang breeder ng winning local horse na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.