Pogi points na sana si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa 29th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos dahil sa kabila ng kontrobersiyang nangyari kaugnay sa maanghang nitong pahayag kontra kay US President Barack Obama ay maaayos ang naging pagtanggap sa Pangulo ng iba pang lider na bahagi ng nasabing pagpupulong.
Sa katunayan tanging ang Pangulo lamang ang pinagkakaguluhang pinuno na dumalo sa summit kung pagbabasehan ang mga naglalabasang artikulo sa diyaryo at sa online news.
Patunay dito ang kaliwa’t kanang pagpapa-selfie ng mga delegado at mismong mga foreign ministers na magalang namang pinagbibigyan ni Pangulong Duterte.
Ginulat din ng Pangulo ang lahat o ang buong mundo sa pagsusuot nito ng coat and tie.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na malaking isyu sa Pangulo ang pagsusuot ng mga kagaya ng damit na kanyang isinuot sa ASEAN summit.
Kaya inulan ito ng papuri ang Pangulo dahil nadala niya nang maayos ang pagdalo sa mga nakalinyang mga aktibidad sa kumperensiya at ang pinakamalaki pang factor ay ang pagtatalumpati nito nang hindi siya nagmumura na alam naman nating kaya niyang gawin, lalo na sa harapan ng banyaga.
Kanya nga lamang ang pogi points na ito ng Pangulo ay nalamatan dahil sa ipinalabas na Press Statement ng Palasyo ng Malakanyang kamakalawa na nagsasabing magtatabi sina Pangulong Duterte at US President Obama, gayundin si UN Secretary General Ban Ki Moon sa gala night.
Todo abang ang sambayanang Filipino at maging ang buong mundo sa pinakapapanabikang eksena lalo na’t mainit-init pa ang ginawang pag-atake ng Pangulo kina Obama at UN Sec. Gen Ki Mon na nangingialam sa laban kontra iligal na droga ng bansa gayundin sa nangyayari umanong extra judicial killing sa bansa.
Pero ang eksenang iyon ay hindi nangyari dahil ayon sa ilang nagpapalusot na opisyal ng Malakanyang, nagbagong bigla ang seat plan.
Ipagpalagay na nating nagbago ang seat plan pero nariyan ang mga taga-PCO na delegasyon ng Pangulo dapat ay ginawan ng matinong anggulo ang press statement dahil lumalabas na namang atat na atat ang Pangulong makatabi ang dalawa.
Mano bang magpalabas kayong maiksing statement ng pagbabago at hindi iyong basta na lang naglabas na animo’y isa nang totoong pangyayari.
Marami pa talagang kakaining bigas ang mga taga-PCO dahil sa ganyang ka simpleng krisis ay hindi ninyo naresolba.
MADAMING GANYAN…YUNG MALI..TINATAMA AT YUNG TAMA….MINAMALI…PARA KUMITA ANG DYARYO NILA!!
ikaw nmn Lacorte kung maka pamuna e ikaw n ang magaling salto papogi agad wala ka na ba iba pwede batikusin at pati maliit n bagay e babatikusin mo?
Alam mo kayong mga taga media ang may sala ng pag interpret kahit ulit ulitin nyo ang video di nya minura per se si Obama.
Tama ka.