Nakakalula as in talaga ang dami ng malalaking accomplishment ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni acting Director Senior Supt. Guillermo Eleazar sa kanilang kampanya kontra iligal na droga at sa kriminalidad.
Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na tanging sa Quezon City lamang sa buong Metro Manila masigasig ang mga operatiba ng kapulisan sa pagtupad sa kanilang tungkuling ligaligin ang mga nasa likod ng iligal na droga kaya naman nagresulta ito ng pagkakatiklo sa ilang showbiz personalities na naliligaw ng landas.
Nauna nang naaresto ang dating starlet na si Sabrina M na sinundan ng isa ring dating sexy star na si Krista Miller kasama ang dalawa pang modelo na sina Liaa Alelin Bolla at Jeramie Padolina.
Ang inaaning tagumpay na ito ng QCPD sa kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad ay bunsod ng mabuting pamamahalang ipinapamalas ni Director Eleazar.
Pero sabi nga ang bawat tagumpay ng isang pinuno ay nakakamit dahil sa suportang ibinibigay ng kanyang mga tauhan.
At kapag napag-uusapan ang matagumpay na operasyon, kaakibat nito ay ang pagkilala sa mga taong nasa likod nito. Sila ang matitikas, matatapang at sinserong mga opisyal at tauhan ng QCPD. Sinu-sino sila?
Mainam marahil na sila ay mapangalanan nang sa gayon ay mabatid ng publiko na marami pang mga pulis na dedicated at tunay na naglilingkod para sa mamamayan. Kasama rito ang mga pinuno ng Station Anti-Illegal Drugs na sina: Chief Inspector Erwin Guevarra ng Station 2; Chief Inspector Rey Morcillo ng Station 3; Senior Inspector Syrill Dagusin ng Station 4; Inspector Mario Pascual ng Station 6; Senior Inspector Ramon Aquiatan ng Station 7 at Chief Inspector Marciano Navarro ng Station 11.
Papurihan din natin ang mga bumubuo ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs na nasa pamumuno ni Supt. Godfredo Tul-o, at mga team leader na sina: Senior Inspector Joel Cabuatan; Senior Inspector Albert Juanillo Jr.; Senior Inspector John Wayne Verzosa at Senior Inspector Ernesto Santos Jr.
Nararapat din na mabigyan ng pagkilala ang mga bumubuo ng District Special Operations Unit sa pangunguna ni Supt. Rogarth Campo, pati na ang mga team leader nito na sina: Chief Inspector Vicente Gil Palma at Senior Inspector Paterno Domondon.
Isama na rin natin ang namumuno ng Criminal Investigation and Detection Unit na si Supt. Rodelio Marcelo at hepe ng Warrant Section na si Senior Inspector Allan dela Cruz na matatawag na “incorruptible” o hindi masusuhulan sa pagganap ng trabaho.
Bigyan din natin ng pagpupugay ang mga Station Commander na sina: Supt. Christian Dela Cruz ng Station 11; Supt. Rolando Balasabas ng Station 7; Supt. Lito Patay ng Station 6; Supt. Jerico Baldeo ng Station 4; Supt. Danilo Mendoza ng Station 3; at Supt. Igmedio Bernaldez ng Station 2.
Mabuhay kayo mga sir at hangad ko ang inyong tagumpay sa laban kontra iligal na droga at kriminalidad!