Saludo kay Uytengsu

Sa aking pabalik ng Pilipinas galing Hawaii ay kasama ko sa PAL Flight ang Boss ng Alaska na si Wilfred Uytengsu, dating champion swimmer at isa sa pinakamatagal na may-ari ng isang koponan sa PBA.

Napagkalooban siya ng Lifetime Achievement Awards ng PBA Press Corps ilang araw pa lang ang nakararaan.

Maganda ang kanyang naging speech tungkol sa pagrespeto sa liga na hindi niya papayagan gawin, nang kanyang koponan na “to win at all cost” makuha lang ang kampeonato, mga “under the table” na transaction o di kaya kahit “over budget” na nailulusot.

Nagkakaroon din kasi ng matinding imbalance ang liga ‘pag lahat na ng matitinding players ay napupunta sa mga sister team.

Sana tablan sa puso ang mga nagpapalakad ng PBA sa talumpati ni Boss Wilfred Uytengsu. Para sa ikatatagal ng liga, para sa ikababalik ng mga manonood at iba pa.

Belated Happy Birthday Mama Betty and Happy Birthday to my Mommylo!! Hugs and kisses to both of you. Nagdiwang po sila nung January 29.

Maraming salamat sa Barcelona Academy Parents and Alumni Association sa pag-imbita sa akin para sa inyong sporstfest.

Ang exhibition game ay sa pag-anyaya sa atin ng ating mahal na coach Derick Pumaren.

Nagsipaglaro sina Bong Alvarez, Alvin Patrimonio, Allan Caidic, Bonel Balingit, EJ Feihl, Noli Locsin, Gerry Esplana, Johnny Abarrientos at Belson Asaytono.