Isang hinihinalang salvage victim ang natagpuan sa tabing kalsada ng Barangay San Rafael 4, Noveleta, Cavite pasado alas-singko ng madaling-araw kahapon.
May tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima at posible umanong pinalo ng matigas na bagay ang mukha.
Natunton ang asawa ng biktima dahil sa cellphone na nakuha sa bangkay nito at positibo namang kinilala ito na si Edwardo Laplana y Quillano, 33, ng Barangay Samala Binakayan, Kawit, Cavite.
Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng kalibre 9mm habang hinahanap naman ng pulisya ang nawawalang tricycle na pinapasada ng biktima na posibleng tinangay ng mga hindi nakilalang salarin.