Salvage sa Cotabato

dead-body

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin­ ng hindi pa nakikilalang salarin sa National Highway Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato ­kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Turpo Mamental, 40, residente ng Manaulanan sa bayan ng Pikit.

Sa report ng Pikit police, nakita ang katawan ng biktima bandang alas-kuwatro ng hapon isang daang metro ang layo mula sa CAFGU detachment malapit sa palayan sa nasabing lugar.

Nagtamo umano ng ilang tama ng bala mula sa cal. 45 ang biktima na agad nitong ikinasawi.