MUKHANG isinasantabi na nga ni Sam Milby ang kanyang Holywood dream dahil last week ay sinabihan siya ng kanyang management sa United States na magpadala siya ng audition tape para sa isang show doon.

Pero hindi raw siya nakapagpadala dahil nga sunod-sunod din ang trabaho niya rito sa Pinas since nasa promo time siya ng pelikula nila ni Yassi Pressman na Ang Pambansang Third Wheel.

“And at the same time, first off, napakahirap na pumasok sa isang show sa States. And second off, I have commitments here,” pahayag ni Sam nang makapanayam ng entertainment press sa successful premiere night ng Ang Pambansang Third Wheel last Tuesday held at SM Megamall.

Ayon pa kay Sam, pilot season daw sa US ngayon which is the best time para mag-audition talaga for the new TV shows na ieere.

“So, this is the time na dapat andu’n ako kung gusto kong mag-audition. This is the time that I need to be there.

“But ‘yun nga, I’m content, I’m happy with the work I’m still getting here. I’m committed to the teleserye rin.

“So, if it comes in the future na wala akong masyadong ginagawa and I have an opportunity na send auditions or like, ‘o, can you come here and be here for the pilot season,’ and I’m not working, then I’ll go there and try out.

“But I’m happy and I’m content being here also. This is my home and it would be exci­ting if I ever got work there, siyempre, mas likas ‘yung lengguwahe, ‘yung emotions, mas mae-express ko ang emotions ko pag Ingles.

“But I’m definitely sobrang happy and appreciative of everything’s that’s been happening here for me,” sabi pa ni Sam.

Na-realize rin ni Sam na mahirap talagang umalis dito nang matagal dahil posibleng makalimutan siya ng mga tao kapag hindi siya nakikita at ayaw daw naman niyang mangyari ‘yun dahil gusto pa rin naman daw niyang magtrabaho rito.

“So, it’s hard to make a decision to leave here and just to give it up for something na hindi pa siguradong tanggap ako do’n. Even if some people feel na I have a good chance or pushing me to be there, I’ve… you know, this is my home,” sey pa ng Fil-Am actor.

Basta sa ngayon, ang puso raw niya ay nandito sa showbiz industry natin lalo pa nga’t sunod-sunod ang bles­sings niya lately at isa na nga rito ay ang pelikula niyang Ang Pambansang Third Wheel with Yassi na nagsimula na ang showing kahapon, March 7 hatid ng Viva Films and Idea First Company mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.

Gabby ayaw magpa-pressure sa papalitang Ika-6 na Utos

AWARE si Gabby Eigenmann na ang papalitan ng bagong serye niya sa GMA-7 na Contessa­ ay isang napakamatagumpay na drama series which is ang Ika-6 na Utos na alam din naman ng lahat na super-taas ng ratings.

Aminado naman ang aktor na may pressure talaga pero ang ginagawa na lang daw nilang lahat ng cast ngayon ay pagbutihan na lang ang performance at huwag mag-expect.

“Nun’g ginagawa naman nila ‘yung Ika-6 na Utos, hindi naman nila akalain, hindi naman nila in-expect na ganu’n,” sabi ni Gabby sa interview niya with the entertainment press sa presscon ng Contessa.

“So, kami, because we’re replacing a very successful soap, pressure talaga ‘yun, pero dapat, ang ano namin, which we all feel the same, let’s just do our job or pagbutihin na lang natin and let’s not expect.

“Because at the end of the day, baka mag-reflect ‘yun sa kung paano namin i-execute na parang ‘kasi, dapat, ginalingan natin, dapat ganito, kasi ang bigat ng papalitan natin’.”

Kahit nga raw sila ng co-star at lead star ng Contessa na si Glaiza de Castro ay nag-usap tungkol dito na huwag nang magpa-pressure pa.

Sa Contessa ay ginagampanan ni Gabby ang papel na Vito Imperial, a powerful and influential man with illegal business activities.

Aside from Glaiza na siyang bida, kasama rin ni Gabby sa Contessa sina Geoff Eigenmann, Jak Roberto, Lauren Young, Mark Herras, Tetchie Agba­yani, Chanda Romero at marami pang iba. Magsisimula na ang serye ngayong March 19.