Kilala ang ‘Halik’ actor na si Sam Milby sa pagiging masayahin nito, Isa rin kasi siya sa kilalang ‘Smiling Faces’ sa industriya.

Pero sa kabila ng mga ngiti ay may bagay rin pala na ikinakalungkot ng aktor.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi niya ang lumang jacket na pagmamay-ari ng kapatid niya.

“Ito ang jacket na suot ng half brother ko nung naaksidente siya at hindi siya nakasuot ng helmet… I was 1 year old. Marami pa sana kaming memories na mapagsasaluhan,” caption niya sa post.

Kaya naman nagbigay ng balala si Sam Milby sa lahat ng mga motorcycle driver. Lalo na sa mga walang suot na helmet.

“I see so many riders here sa Pinas na hindi gumagamit ng helmet. Please if you’re a rider, ALWAYS wear a helmet,” paalala ng aktor.
Sang-ayon naman ang mga netizen sa kaniya.

@ledenilapcanete, “You are right sam @samuelmilby you are my love and crush since day 1 on pbb.”

@lourelaijeane, “Totoo yan po @samuelmilby kasi ako naaksidente rin, half helmet lng gamit ko and nasave ako, although nasugatan baba ko ksi hindi ako naka full helmet.kaya mas maganda wear ng full helmet po.”