Di raw nag-self quarantine Iza, Jodi kabahan na kay Sam Milby!

Totoo nga bang hindi muna nag-self quarantine si Sam Milby after nitong bumalik mula sa Amerika at nag-taping na agad para sa bago nitong teleserye?

Nadadawit din ang pangalan ni Iza Calzado na kasama sa teleserye, pero si Sam ang may travel history at hindi si Iza.

January ‘yung post ni Sam na nagbakasyon siya sa Amerika. ‘Yung post ni Iza na video niya sa Milan Fashion Week ay throwback nu’ng September na wala pang COVID-19.

Kung nakaeksena ni Sam sina Iza, Maricel Soriano at Jodi Sta. Maria sa teleserye nilang “Ang Sa Iyo ay Akin” ay dapat ding mag-monitor ang mga ito ng health condition nila.

Hindi naman sa sinasabing may virus si Sam, pero dapat ay nag-self quarantine muna siya just to be safe pati na rin ang mga katrabaho niya.

Ang dinig namin ay magpapa-test na si Sam o baka nagpa-test na ito by this time. Nag-message kami sa manager niya kahapon, pero hindi pa ito sumasagot.

Daniel, Kathryn insensitive sa beach photo

Tila huminto ang ikot ng mundo dahil sa kumakalat na NCOV-19, na dahilan kaya tigil-trabaho maging ang mga taga-showbiz industry na kadalasan ay walang holiday at tuwing Semana Santa lang nakakapagbakasyon.

At dahil hininto nga ang mga produksyon ay nag-feeling bakasyon naman ang iba, kahit pa naka-lockdown o community quarantine ang buong Metro Manila at kabilin-bilinan na manatili lang sa loob ng bahay at huwag lumabas.

Si Kathryn Bernardo ay may post na nasa beach sila ng nobyong si Daniel Padilla, so may mga nag-comment na insensitive ang KathNiel dahil ngayon pa nagbakasyon ang dalawa sa panahong dapat ay naghu-home quarantine at social distancing.

Dumepensa naman ang ilang fans at sinabing throwback pic ‘yon nu’ng mag-Amanpulo ang magsyota last year, pero may mga nag-insist pa rin na hindi dapat ito pinost ngayon ni Kath.

May isang male celebrity na nagpunta pa ng Bali, eh pinagbabawal na nga ang magbiyahe. Kahit paulit-ulit pinapaalala na huwag lalabas dahil baka mahawa o makapanghawa ng virus ay inuna pa rin ang rampa.

At least, sina Ogie Alcasid ay sa may UP sunken garden lang nag-picnic, na hindi kalayuan sa house nila.

Natuwa ang netizens sa simple joys nina Ogie at Regine Velasquez na kasama si Nate at si Leila Alcasid, na ka-join ang boyfie nito na si Mito.

Si Nadine Lustre ay tinanggal na ang IG post niya na nagpapa-tattoo at nag-post ng reminder tungkol paghuhugas ng kamay na may caption na, “Wash yo handsss. Stay safe and sanitized ya’ll.”

Si Lea Salonga ay may sapul na post na, “To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”

Richard-Sarah wedding walang 20 bisita

Kita sa mga magulang ni Sarah Lahbati ‘yung kaligayan na finally ay naikasal na si Sarah kay Richard Gutierrez.

Matagal na itong gusto, lalo na ng madir ni Sarah na si Mommy Esther at sa wakas nga ay natuloy na ito nu’ng Sabado kahit sila-sila lang at saka na ang naunsyaming big wedding.

Ang ganda nu’ng idea na tinuloy pa rin nila ang kasal kahit intimate lang ito.

Sabi nga ni Raymond Gutierrez, ‘yung less than 20 guests was not the original plan, but the ceremony was made more meaningful.

Tama rin si Mond na love conquers all, even during a pandemic! PAK!!