Kinalampag ng Commission on Audit (COA) ang provincial government ng Samar dahil sa sobrang paggastos sa kanilang 2018 budget na nagging dahilan upang hindi matuloy ang ilang proyekto sa lalawigan.
Ayon sa 2018 annual audit report, may inilaang P34.43 milyon sa donasyon ang Samar provincial government na dahilan upang sumobra umano ang naging paggastos ng P36.94 milyon dahil sa ‘improper monitoring’.
“The excessive spending can be traced to the following offices: the Governor’s Office exceeded its budget by P20,358,136.25; and the Special Purpose Allocation was likewise over-expended by P10,411,700.00,” ayon sa report
Ang nasabing donasyon ay ibinigay sa iba’t ibang non government organzaiton, mga eskuwelahan, sa tao at ibang ahensya ng gobyerno. (Yves Briones)