Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korap na opisyales ng gobyerno na ipapatapon sa mga lugar sa Mindanao kung saan nangyayari ang kaliwa’t kanang karahasan.

Sa katunayan, nagpaplano umano ang Pangu­lo na maglagay ng extension office ng nationa­l government sa Basilan o sa Jolo­ para may paglagyan sa mga tatanggaling mga ­tiwaling mga opisyal at empleyado ng gobyerno­ sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga taga-gobyerno na huwag na huwag bibiktimahin ang mga ordinaryong mamamayan dahil ang mga ito ang higit na nanganga­ilangan ng gobyerno kaya­ dapat aniyang bukas ang gobyerno sa bawat F­ilipino.

Dati nang nagbabala­ ang Pangulo sa mga tiwa­ling mga tauhan at opisya­les ng gobyerno at muli niya itong binanggit nang dumating mul­a sa pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos.

Ibig sabihin lamang ng paalalang ito ng ­Pangulo ay hindi siya nagbibiro sa kanyang sinabi na ipapatapon sa mga lugar sa Basilan at Jolo ang mga ayaw pa ring umayos na mga taga-gobyerno.

Sa ganang amin, dapat nang seryosohin ng ­Pangulo ang kanyang banta­ dahil hangga’t walang nasa­sampolan ay iniisip ng mga tiwaling mga emple­yado at opisyal ng gobyerno na hanggang salita lamang ang Punong Ehekutibo.

Kaya dapat ay simu­lan na ng Pangulo ang pagbibigay ng direktiba sa mga pinuno ng mga tanggapan ng gobyerno­ na i-assess ang performance ng mga tiwali at simulan nang patawan ng kaukulang parusa hanggang sa ipatapon sa mga lugar sa ­Mindanao kung saan ay may nanga­ngailangan din ng serbisyo­ ng gobyerno.

Baka sa ganitong paraan ay makatulong si Pangulong Duterte na mapatino ang mga tauhan ng gobyerno at tuluyang mabura ang katiwalian.