Mga laro bukas: The Arena, San Juan
2:00 p.m. — Jose Rizal vs San Sebastian (srs)
4:00 p.m. — Letran vs EAC (srs)

Sinikwat ng last year’s runner-up San Beda at Arellan­o University ang twice-to-beat advantage sa Final Four matapos kumana ng magkahiwalay na panal­o kahapon sa Season 92 ng NCAA seniors men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Nilapa ng Red Lions ang Perpetual Help Altas, 84-75, habang winasiwas ng Chiefs ang Mapua ­Cardinals, 95-82, sa unang laro.

Nagtulong sina AC Soberano, Fil-Am Davon Potts at Jayvee Mocon sa opensa para itarak ang 13-4 karta­ ng Red Lions at manatili sa second spot ng team standings­ habang hawak ng Chiefs ang 14-3 record at solohin ang liderato.

Nagtala si Soberano ng 18 points habang may tig-15 at 14 markers sina Potts at Mocon, ayon sa pagkakasunod para sa San Beda na nanganib pa na matalo matapos silang malamangan­ ng Altas, 55-58, papasok ng fourth quarter.

“Kahit nalamangan kami, hindi kami ng give up focus lang kami sa laro kaya nakuha namin ‘yung panalo,” saad ni Soberano.

Huling laro ng Mendiola-based squad San Beda ang Arellano sa Biyernes, sakaling manalo ang una sa huli ay magkakaroon ng playoff para sa top spot.

May tig-11-6 baraha ang Altas at Cardinals, swak na rin sila sa F4 pero hind­i na sila aabot sa top two.

Maghaharap ang Perpetual at Mapua sa Biyernes din para malaman kung sino ang kakapit sa No. 3 spot.

Sa panalo ng Chiefs, nagtrabaho nang todo si Jio Jalalon matapos ilista ang 35 points at tig-five rebounds, assists at steals.

“He’s the Jio Jalalon we all know and he played big again for us,” wika ni Arellano U coach Jerry Codiñera.