Mga laro ngayon (Filoil Flying V Center)
8:30 a.m. — Perpetual vs. EAC (jrs)
10:00 a.m. — Perpetual vs. EAC (m)
11:30 a.m. — Perpetual vs. EAC (w)
1:00 p.m. — JRU vs. St. Benilde (w)
2:30 p.m. — JRU vs. St. Benilde (m)

Kumapit ang San Beda sa top spot matapos balasahin ang Lyceum of the Philippines 29-27, 25-13, 25-14 ­kahapon sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Naging matatag ang Lady Red Spikers para malusutan ang set 1 matapos makipagsabayan ang Lady Pirates.

Sina Francesca Racraquin at ang kambal na sina Nieza at Jiezela Viray ang bumitbit sa Lady Red Spikers para ilista ang pangatlong sunod na panalo at samahan sa liderato ang defending champion College of Saint Benilde at San Sebastian.

Umiskor si Racraquin ng 11, may pinagsamang 16 puntos ang magka­patid na Viray.

May tig-six points sina Christine Miralles at Cherilyn Sindayen para sa Lady Pirates, nalasap ang unang talo sa tatlong laro.

Umangat sa No. 4 ang Arellano­ University matapos payukuin ang Mapua 25-17, 25-8, 18-25, 25-18.

Tumipa sina team captain Rialen Sante at Mary Anne Esquerra ng 14 at 12 markers para sa Lady Chiefs na kasalo ang Lyceum at JRU.