San Beda-Rizal, Xavier-B sampa sa tuktok

Umiskor ng tigalawang sunod na panalo ang San Beda College-Rizal at Xavier School-B para akbayan ang La Salle-Greenhills sa tuktok ng Group A sa Small Basketeers Philippines ng Best Center sa Xavier School gym.

Nanatili namang malinis ang karta ng mga paborito sa Passerelle side ng torneo na inisponsoran ng Milo.

Kinubabawan ng SBC-Rizal ang Notre Dame of Greater Manila 47-29, tinakbuhan ng Xavier-B ang Claret School 38-29 tungo sa parehong 2-0 cards.

Nilista rin ng Xavier School-A ang ikalawang ‘W’ 52-44 kontra Lourdes School of Quezon City para sa Group B lead. Dinemolis ng San Sebastian College ang St. Mary’s College 50-21.

Naungusan ng Ateneo ang UST 78-77 para agawin sa La Salle-Greenhills ang lead sa Group A ng Passerelle. Nilampaso ng Claret School ang Quezon City Academy 62-19, tinalo ng St. Agustine International School ang Marist 55-50.