Mga laro sa Sept. 30: (San Juan Arena)
2 p.m. — San Beda vs Perpetual Help (srs)
4 p.m. — Arellano U vs Mapua (srs)

Isang dekada nang ­inaangkin ng San Beda ang top seed sa double-round elimination.

Sumandal ang Red Lions kay AC Sobe­rano upang kalusin ang ­Arellano University, 80-73, at ­makopo ang No. 1 seed sa 11th straight year sa 92nd NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Sumikwat si Soberano ng career-best 26 points kasama ang anim na tres para harapin sa Final Four ang No. 4 Perpetual Help (11-7) simula sa Biyernes sa MOA Arena.

Para sa Chiefs na lumagpak sa No. 2 ay toka ang No. 3 Mapua (12-6) na kumakapit kay reigning MVP Allwell Oraeme.

Kailangan lang ng San Beda at Arellano ng isang panalo para umabante sa best-of-three finals.

Sakaling magkaroon ng deciding game, ilalaro­ ito sa Martes sa MOA pa rin.

“This is a good win ­because we want to go to the Final Four with ­momentum,” ani San Beda coach Jamike Jarin.

Ganadong umatake si Soberano, sumalpak ng pito sa 10 tira kasama ang six-of-nine sa three-point line sa 23 minutong ­paglalaro.

“I just want to help the team win,” wika ni ­Soberano.

Tumipa rin si Robert Bolick ng 14 points, seven­ rebounds at four assists habang si rookie­ big man Benedict Adamo­s ay may 14 points, six boards at four blocks para sa San Beda.

Nirehistro ni Jio Jalalon ang 14 markers para sa Arellano.