Muling binuhay ng San Miguel Corp. ang nutribun na tinapay na pinamimigay noon sa mga public school noong panahon ng diktadurang Marcos.

Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, puno ng bitamina ang tinapay at ipamimigay nila ito sa mga charitable group at mga komunidad na walang makuhang pagkain o walang pambili ang mga tao.

Ang tinapay ay nagtataglay ng 250 calories bawat isang piraso na mas masustansya kaysa sa isang tasang kanin na 204 calories lamang. “This is safe, sufficient and nutritious food for the hardest hit families facing hunger as a result of the COVID19 crisis,” sabi ni Ang.

Inumpisahan na ng SMC na ipamigay ang nutribun sa lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Parañaque at mga ospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH), Philippine Children’s Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, Las Piñas General Hospital, St. Luke’s, The Medical City. Nagdala na rin ito ng nutribun sa Eastern Police District, Northern Police District at sa Camp Karingal. (Eileen Mencias)