Matapos ihayag na bibilhin ang 10,000 personal protective equipment na gawa ng local garments manufacturers, nag-angkat naman ang San Miguel Corp. ng libo-libo pang protective gears mula sa China.
Dumating na ang first 40,000 sets ng PPEs mula sa nabanggit na bansa sakay ng chartered Boeing 777.
Bahagi ito ng P500M na inilaan ng SMC pang-ayuda sa PPE supplies gamit ng frontliners kontra coronavirus disease 2019 pandemic.
Ipapamahagi ang PPEs sa iba’t ibang ospital sa Luzon. Halos lahat ng ospital na pinagdadalhan ng COVID-19 cases ay kinakapos na sa PPEs.
“We are fortunate to have been able to buy this much PPEs,” ani SMC boss Ramon S. Ang. “Globally, demand is so high. Many of the big countries want to buy them all.”
Nang magkaroon ng pagkakataon ay hindi na pinalagpas ng SMC, kumuha agad ng local chartered plane mula PAL para maiuwi ang supplies. (Vladi Eduarte)