Sana lahat inaksyunan

Maging si Vice President Leni Robredo pala ay muntikang mabiktima ng mga haragan sa paliparan.

Sa ulat ay kinuwestyonni VP Leni ang pamunuanng Manila InternationalAirport Authority (MIAA)at ang sinakyan nitong airline na Cathay Pacific na imbestigahan ang pagtatangkang pakialaman ang kanyang dalawang luggage.

Galing si Robredo sa US at dumalo sa ilang kumperensiya at speaking engagement nakaraang Huwebes.

Pero nang ideliber ang dalawa niyang luggage sa kanyang tanggapan ay natuklasang may damage na ito. Maraming scratches at dents at ayonmismo sa kanyang security ay senyales ito na may nagtangkang buksan ang bagahe ng Bise Presidente.

Masuwerte namang walang nawala sa bagaheng Bise Presidente pero hindi niya binalewala ang pangyayari at ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng MIAA at ng pamunuan ng Cathay upang magbigay ng paliwanag.

Naging maagap naman ang MIAA at iginiit na hindi sa NAIA nangyari ang pagtatangkang buksan ang luggage ni VP Leni, alinsunod sa ginawang pagsusuri sa closed-circuit television footage sa baggage handling area nang isagawa ang pagpoproseso ng mga bagahe ng mga pasahero mula sa Cathay Pacific.

Ibig sabihin ng sinapit na ito ni VP Leni ay walang ligtas sa kamay ng mga madyikerong tauhan sa mga paliparan saanmang panig ng bansa.

Sa lahat ng mga nabibiktima ng mga pakialamero at malilikot ang kamay na mga tauhan sa mga airport ay masuwerte pa rin si VP Leni dahil kung nagkataong isa siyang overseas Filipino worker o isang balikbayan ay tiyak na aalug-alog na lamang ang kanyang bagahe katulad ng maraming reklamong ating tinatanggap mula sa mga nawawalang mga pasahero ng iba’t ibang airline companies.

Pero sana katulad ng ginawang pagtrato kay VP Leni ay kahalintulad na atensyon din ang ibigay ng pamunuan ng MIAA sa iba pa nating mga kababayang nabibiktima rin ng mga mapagsamantala sa mga paliparan.

Wala kasing kakastigo sa mga airport at airline personnel kung hindi ang mga taga-MIAA kaya sana ay maliit o malaking reklamo ay aksyunan n’yo agad.

Hindi iyong naghihintay sa wala ang mga pasaherong nag-uubos talagang kanilang oras malaman lamang ang katotohanan sa likod ng paglaho ng ilan nilang mga gamit sa kanilang mga bagahe pauwi ng Pilipinas.