Dear Sir,
Marami ng mga Chinese dito sa ating bansa. Pumupunta sila dito para magtayo ng negosyo. Mga paninda nila ay galing din sa China.
At tinatangkilik din sila ng ating mga kababayan. Maraming mayayaman na Chinese sa Pilipinas. Pero gusto pa rin nilang angkinin ang karagatan na nasa ating teritoryo, ang West Philippine Sea. Bakit gano’n? Anong gusto nila, sakupin ang ating bansa?
Subalit talo ang China, likas na sa atin ang West Philippine Sea. Pati iligal na droga ay dinadala sa ating bansa. Marami ng patunay nito. Marami ng nahuhuli na mga Chinese na involved sa illegal drugs.
Marami na ring napapatay at walang nagki-claim sa mga bangkay nila. Bakit gusto ng magulo ang China? Sana makipagkasundo na lang sila sa ating bansa at kahit na magnegosyo pa sila dito ‘wag lang illegal na droga at pagkamkam ng ‘di nila teritoryo.
GABRIEL P. TOLEDO
Cabanatuan City
***
Dear Sir:
Bakit tayo matatakot sa China samantalang hindi pa naman siya ganoon ka superpower?
Wala pa siya sa kategoryang ganoon. Wala pa siyang pinatunayan na siya ay isang bansang superpower. Hindi katulad ng United States na marami na siyang pinatunayang mga giyera ‘yon nga lamang bigo silang manalo sa ilang bansang may gusot sa politika.
Hindi magiging superpower ang China dahil wala siyang kinikilalang Rule of Law, hindi sumusunod sa value ng pagkamakatarungan at pagkapantay-pantay.
Ang iniisip lamang niya ay ang kapakanan ng kanyang sarili balewala ang kapakanan ng iba.
Papaano susunod ang mga lider ng mga bansa kung hindi niya kinikilala ang batas ng international tribunal?
Masasabi ko na ginagampanan lamang niya ang maging kontrabida sa paningin ng buong mundo.
RAFAEL A. AYOC
Parañaque City