Ilang mga Korean fan ang nagagalit ngayon sa isa sa miyembro ng South Korean girl group na Twice. Ito’y dahil sa ipinost ni Sana sa kanyang Instagram account.

Si Sana ay ipinanganak bilang Japanese. Eight years na rin siyang naninirahan sa South Korea.

Noong April 30, 2019 kasi, marked the last day of current Japanese era in Japan with Emperor Akihito na for 30 years and 3 months, finally gave up his throne. Usually, kapag namamatay lang saka pinapalitan, pero nag-give way na ito agad para maisalin sa anak niya.

“Bittersweet” para sa ilang Japanese ang pagtatapos ng era nito. At si Sana na isang Japanese ay nag-post sa official Instagram account nito ng kanyang saloobin at sa salita ng Japan.

Para sa ilang Korean fans, hindi tama ang ginawang ito ni Sana na nagtatrabaho raw sa Korea as K-pop.

Ang post ni Sana na sinalin na sa English, “As someone born in the Hesei era, I am sad that it is coming to an end. However, Hesei, you worked hard. It’s the beginning of the Reiwa era so I’m going to face the beginning and complete the last day of Hesei neatly.”

Isa sa comment sa ginawang posting ni Sana, “It was rude of her to post that. They have an official Japanese Instagram account too. She should’ve posted it there. Not liking this at all. TWICE didn’t post anything on Korea’s Independence Day. Why is she posting that there in all Japanese?”

Until now, may tensyon pa rin talaga between Korea and Japan. At dahil sa post na ito ni Sana, may nag-brought up pa ng nangyari sa battleship island kung saan maraming Korean ang naapi, namatay under the hand of Japanese.

Ito ay sa kabila ng may friendly working relationship na rin naman sa dalawang bansa. Pero ‘yun nga, hindi pa rin mawawala ang ilang nationalistic. Para sa mga ito, kawalan ng delicadeza ang pagpu-post na ito ni Sana habang nagpu-promote siya as a K-pop artist.

Bukod kay Sana, kini-criticize rin ang manager niya, si J. Y. Park ng JYP Entertainment, na turuan daw nito ang mga artist niya na maging politically correct.

Isang netizen na nagpakilalang apo ng isang Korean laborer sa battleship island ang talagang tinuligsa si Sana at sinabihang, “a citizen of Japan who has no sense of guilt about what her country did in the past.”

Some Koreans are requesting JYP to delete’s Sana’s post, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin. Habang ang iba naman, sinasabi at inuunawa ang idol na after all, Japanese citizen pa rin daw ito.