Hindi na bago para kay Davao City Mayor Sara Duterte ang bantang resbak ng malalaking drug syndicate sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba nito sa puwesto sa 2022.

“For years, my father’s program, dating back to his days as [Davao City] mayor, has always been anti-crime, anti-drugs. Sanay na kami [sa threats],” sabi pa ni Sara sa mga reporter.

Reaksiyon ito ng presidential daughter sa sinasabing planong paghihiganti ng mga drug lord sa sandaling bumaba na sa puwesto ang Pangulo bunsod ng naging madugo at marahas na kampanya kontra illegal drugs.

Aniya, kinalakihan na niya ng mga death threat. “I grew up with such (threats). Nakapag-adjust na kami,” dagdag pa nito.

Naniniwala pa ito na hindi makakaapekto sa mga Senate bet ng administrasyon ang naglipanang floa­ting cocaine sa mga karagatan sa iba’t ibang lugar sa bansa, na ayon sa mga kritiko ng Pangulo na isang palatandaan na bigo ang drug war ng pamahalaan.