Enjoy sa sand boarding sa Ilocos
Enjoy sa sand boarding sa Ilocos

Likas na adventurous ang mga Pinoy, lalo na kung kasama ang buong pamilya.

Katulad na lamang ng ginawang pagbabakasyon ng aking pamilya sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Kung dati ay inuubos namin ang aming oras sa pag-iikot sa mga tinaguriang tourist spot sa mga lugar na aming pinapasyalan sa pinakahuling biyahe ng aking pamilya sa Ilocos Norte ay nilagyan namin ng kaunting thrill.

Ito ay dahil sinubukan ng aking pamilya ang kinagigiliwang sand boarding ng mga turistang lokal at dayuhan.

Kaya naman talagang inuna namin sa aming iterinary ang sikat na sikat na Sand Dune sa La Paz, Ilocos Norte.

Enjoy na enjoy ang buong pamilya sa pagsa-sand boarding.

Enjoy sa sand boarding sa Ilocos
Enjoy sa sand boarding sa Ilocos

Namayani ang sigawan at tili sa aking pamil­ya lalo na kung dadausdos na sa mapinong buhangin.

Bukod sa pagdausdos sa pinong buhangin ay sumakay din ang pamilya sa 4×4 jeep at inikot namin ang Sand Dunes.

Wala talagang pagsidlan ang kasiyahan ng pamilya lalo na ang mga kasama naming mga tsikiting at mga kabataan na sinasabayan pa ng paggo-groufie at selfie ang bawat eksena namin sa Sand Dunes.

Pero for sure hindi nagtatapos sa isang araw ang aking pagpunta sa Sand Dunes para sumubok ng sand boarding dahil tiyak na babalik ako dito kasama ang ilan kung kasamahan na katulad ko ay mahilig sa mga extreme sports.

Old school weaving
Old school weaving

Matapos ang aming kakaibang experience sa sand boarding ay hindi pa rin namin pinalagpas ang pag-iikot sa ilan pang magagandang tanawin sa Ilocos Norte at Vigan.

Katulad na lamang ng sikat na Paoay church na isa sa aming binabalik-balikan, gayundin ang windmill sa Bangui, Ilocos Norte.

Sa aming pag-iikot napuntahan din naman ang magaganda beach na talaga naman dinarayo hindi lamang ng mga lokal na turista maging ang mga lokal na nag nanais maligo sa dagat.

Kasama rin sa aming pinuntahan gaya ng Vigan kung saan kami ay nag ikot sa mga heritage house na gustong- gusto puntahan ng mga bakasyunista.

Pottery making sa Vigan
Pottery making sa Vigan

Dito matitikman ang masarap na Vigan empanada na ubod ng sarap. Na ayon nga sa deskripsyon ng aking mga kasamahan ay tiyak na makakalimutan mo ang iyong pangalan dahil sa sarap.

Hindi rin namin pinalagpas ang pagawaan ng pottery at ‘yung tinatawag na weaving.

Kaya naman masasabi kung sulit at makabuluhan ang aming Norte at Vigan escapade.

Mga antigong bahay sa Vigan
Mga antigong bahay sa Vigan

Hindi ko rin ito kakaligtaang irekomenda na pasyalan sa aking mga kaibigan at kaanak upang kagaya ko ay maranasan din nila ang pagliliwaliw sa isa sa dinarayong lugar sa ating bansa.