Bisita ang PH wushu team na naka-gold, silver, at bronze medal sa Sanda World Cup sa Hangzhou, China sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Tapa King Restaurant sa Farmers Plaza, Cubao, QC.
Dadalo si gold medal winner Arnel Mandal sa media sports program kasama sina fellow medalists Francisco Solis at Divine Wally, isang araw lang ang pagitan makaraang bumalik ng bansa mula sa ika-siyam na edisyon ng tuwing apat na taong patimpalak.
Sasamahan sila ni Wushu Federation of the Philippine (WFP) secretary general Julian Camacho sa sesyong mga hatid ng San Miguel Beer, Tapa King, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).