Sandara, bet si John Lloyd

Sandara Park

TATLONG araw lang pala sa Pilipinas si Sandara Park para sa promo ng first Korean movie niya.

Balik-Korea agad siya para sa iba pa niyang commitments.

Lumabas si Sandara sa ASAP kamakalawa at may guesting siya sa Tonight with Boy Abunda.

Maaaring babalik siya rito para gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Kung siya ang masusunod, si John Lloyd Cruz sana ang gusto niyang maka-partner pero wala pa raw sinasabi sa kanya ang mga taga-Star Cinema.

Itinanggi ni Sandara ang tungkol sa kanila ni G Dragon na ini-link sa kanya.

Bawal daw sa kanila ang ma-involve kahit kanino kaya single daw siya sa ngayon.

Hindi rin daw uso sa kanila ang loveteam, kaya hindi raw totoo itong isyung pagkaka-link sa kanya ng G Dragon.