Sandara, buking na ang konek kay Robi

Sandara Park

NGAYONG lumabas na ang litrato ni Robi Domingo kasama ni Sandara Park sa Korea, hindi na puwedeng i-deny ni Robi na may kuneksyon sila ng Pambansang Krung Krung.

And pictures won’t lie.

We wonder kung ano ang masasabi ni Gretchen Ho rito.

Better na rin siguro para galingan na lang muna at magsanay pa sa hosting habang hiwalay at malaya sina Robi at Gretchen sa isa’t isa.

***

Si Boy Abunda ang pansamantalang hahalili sa nagpapalakas pang si Melai na kapapanganak lamang.

Isang emosyonal na Boy Abunda ang tumambad sa atin kahapon na inamin na, “Social climber ako. Inaral ko lahat para gumanda ang buhay ko.”

Nagbenta ng encyclopedia, pumasok sa iba’t ibang gawain hanggang mag-PR sa Metropolitan Theater bago naging successful na talent manager.

Nang tanungin kung ano ang pinakamagandang lesson na nakuha niya sa former boss niya, na single out ni Boy si Conching Sunico na ang payo sa kanya ay, “You love to speak, you love to talk. Be careful because words matter.”