Sandara nagpayong makipag-date

tonite-annyeong-rose-garciaSa MBC’s show na “Cart Show 2”, isa si Sandara Park sa mga featured artist kasama ang iba pang mga variety show star tulad nina Lee Seo Gon at Lee Sora. Kinunan ito sa Vietnam.

Napag-usapan nila sa show kung paano nga ba ang mga nag-aaral abroad o particu­lar na ang mga Korean na nag-aaral sa ibang bansa. Known naman na bago pa mag-trai­ning, makilala bilang isang idol sa dating girl group na 2NE1 si Sandara ay nauna na itong nanirahan sa Pili­pinas. Nagkaroon siya ng career sa Kapamilya network. And in fact, was given a title as the “Pambansang Krung-Krung ng Pinas”.

Bago pa minahal si Sandara sa Korea at sa iba’t ibang bansa, there was a time na talagang phenomenal din ang naging popularidad niya sa bansa.

Dahilan din siguro kaya naitanong ni Seo Goon kay Sandara kung sa Philippines daw ba ito ipinanganak. Sinagot naman ni Sandara na elementary na siya nang magpunta ng Pilipinas at manirahan dito.

Ikinuwento rin niya kung paano na malungkot siya noon at natutuwa tuwing may makikitang mga Korean sa bansa.

Aniya, “No. I immigrated there when I was in fourth grade. I was so lonely. So I was very happy whenever­ I met [other] Koreans­ living abroad, and I wanted­ to talk more with them.”

Hiningan ni Lee Sora si Sandara kung may maipapayo raw ba ito sa mga Korean na nag-aaral sa ibang bansa. Nagulat at natawa ang mga kasama niya sa show sa na­ging sagot nito.

Ang payo kasi ni Sandara, makipag-date daw.

“First, if you want to learn the language and understand the culture…you need to date a lot in that country to the point it’s almost outrageous.”

Natawa naman ang lahat sa pagiging ho­nest ni Sandara nang tanungin ito ng miyembro ng SECHSKIES’ na si Jang Soo Won kung meron daw bang nai-date ito habang nasa Pilipinas. Sey niya kasi, “Not frequently, but I had one relationship for a long time.”

Sa mga nasa bansa, siguradong iisa lang ang puwedeng pumasok sa isipan ng karamihan, ang naging boyfriend niya noon na si Joseph Bitangcol.

Anyway, mapapanood din si Sandara sa show na “Real Men 300”.