Sandara nahirapang huminga

tonite-annyeong-rose-garcia
Muntik nang hindi matapos ni Sandara Park ang isa sa mga challenge sa kasalukuyang show niya sa MBC na “Real Man 300.”
Nakaramdam daw ito na hirap sa paghinga. First time  na mangyari sa ­kanya ‘yun.
Ang “Real Man 300” ay isa sa mga variety show ng South Korea. Ginagawa ng mga celebrity ang challenge ng mga Korean male sa loob ng military.
Si Sandara ay kasama sa second part ng mga soldier na magja-jogging sa lugar na pataas ng mahigit na 5 kilometro.
‘Yun nga lang, napansin ng mga kasama niya, partikular na si Oh Yoon Ah na bigla itong bumagal. Halatang hirap na raw. Pinayuhan ito na tumabi muna.
Sey niya nang tanu­ngin ng drill instructor si Sandara kung may sakit daw ba ito?
“I don’t know why either, but I was having trouble breathing. I think it was hyperventilation. It was the first time I’d experienced that.”
Pagdating sa itaas, tinanong si Sandara kung kaya pa ba nito or mag-quit na lang. Marami naman ang humanga sa ipinakitng determinasyon ng aktres kahit na nahirapan talaga sa ibinigay na task sa kanila.