Sandara nakipag-date sa ultimate crush

sandara-park

ULTIMATE crush pala ni Sandara Park si Eun Jiwon. Si Eun Jiwon ay isang South Korean rapper/singer/host/composer at leader ng unang generation ng idol group na Sechskies.

Natupad ang matagal nang wish ni Sandara o mas kilala na ngayon bilang Dara nang maging guest niya sa kanyang Dara TV si Jiwon at maka-date! High school pa lang daw si Dara ay crush na niya si Jiwon.

Kumain sila ng tteokbokki sa isang restaurant pero ba­go ‘yun, pinakita sa video na tila kabado pa si Dara sa “date” nilang ‘yun ng ultimate crush niya.

Sabi nga ng dating mi­yembro ng K-pop female group na 2NE1, “Hi everyone, this is Sandara Park. Ha…everyone I finally…met that person.. The person who was like my first love when I was a teenager.. Eun Jiwon oppa!! Because we both have the same tastes as kids, we ate tteokbokki and played nostalgic arcade games. It was such a happy time!”

Habang kumakain sila, napag-usapan nila ang ilang bagay-bagay tungkol sa kanilang sarili, tulad ng kung paano sila nagsimula sa industry, especially sa variety show. Si Eun Jiwon ay isa sa mga orihinal na cast ng napaka-popular na variety show, ang 1n2D (One Night Two Days) ng KBS.

Gayundin kung hanggang ilang limit lang sila sa pag-inom ng beer. Naikuwento rin ni Dara na dati, talagang wini-wish niya na sana raw ay makita o makasalubong niya si Eun Jiwon sa YG Entertainment Building. At kapag nakakabalita siya na may nakakita ritong iba, sinasabi niya na bakit hindi siya tinawag.

Pagkatapos nga nilang kumain, ipinakita rin sa video na magkasalo silang dalawa sa isang payong at ang pinaka-huling ginawa nila sa kanilang date ay ang maglaro sa old school arcade.

Sa mga nakasubaybay ng 1n2D, siguradong alam nila kung gaano kahilig si Jiwon sa mga computer game.

Kung si Dara ay nanatili pa rin single sa edad na 33, si Eun Jiwon naman ay ikinasal na noong 2010, pero halos dalawang taon lang silang nagsama ng babaeng pinakasalan dahil noong 2012 ay nag-file rin sila ng divorce. Ang dahilan, personality differences daw.