Sandara open na sa nakarelasyon

Kadalasan, hindi masyadong open ang Korean stars pagdating sa kanilang lovelife o naging romantic relationship.

Malaking bagay rin siguro na si Sandara Park ay unang nag-debut sa Pilipinas at nakilala bilang Pambansang Krung Krung.

Hindi rin naman itinago sa publiko ang naging past relationship ni Sandara sa dati niyang co-Star Circle member.

Hanggang sa bumalik na ito ng South Korea, nag-training bago naging miyembro ng girl group na 2NE1.

Since then, ang naging impression pala ng tao kay Sandara ay never na itong nakipag-date o nagkaroon pa ng relasyon maliban daw sa naging boyfriend niya noong nasa Pilipinas pa.

Sa latest episode ng MBN’s Hunminjungeum, rebelasyon sa kanilang lahat na she’s been dating ever since na mag-debut daw siya.

Ayon kay Sandara, “I made my debut when I was 20, and since then, I’ve only dated celebrities. Most of them were singers like me.

“When you appear on music shows, you meet eyes with them, and things just happen naturally from there.”

Ni-reveal din ni Sandara kung paano raw niya nagawang sikreto ang naging relasyon niya. Sabi niya, “If you don’t want to get caught, the trick is to meet in your cars or date through online messaging.

“Also, don’t eat together or eat delivery.”

Biro pa niya, “I just starve.”

Karaniwan daw ng mga idols at singers, nagkikita-kita sa mga yearend awards night. Minsan na rin naming nabasa na sa mga ganitong gathering nagkakaroon ng pagkakataon ang mga idols at singers na magsimulang maghatid ng personal na interes sa isa’t isa.