Sandara Park, ikinumpara sa prostitute ng Korean netizens 

Sandara Park

MEDYO na-bash ng ilang Korean netizens si Sandara Park sa nakaraang Chuseok celebration.

Ang Chuseok celebration ay ang thanksgiving sa Korea na isa sa maituturing na special holiday sa kanila.

Na-bash si Sandara dahil sa paraan ng pagsusuot niya ng Hanbok. Tradisyon na rin na kapag Chuseok celebration na isinusuot ito ng ilang Koreans. Pero hindi nila nagustuhan ang paraan daw nang pagsusuot ni Sandara nito na matingkad na pula pa ang lipstick.

Ang naalala raw ng Korean netizens sa pinost niyang picture na naka-Hanbok sa Instagram account ay ang scandalous figure noong Joseon Dynasty o 15th century na Uhwudong.

Isang dancer, writer, artist, and poet from a noble family. ‘Yun nga lang, mas well-known siya bilang isang kiseang (o giseang). Isang artist na nag-e-entertain ng mga lalaki or prostitute.

Madalas na naisasapelikula o serye ang buhay niya bilang sex figure. May mga netizens na nagtanong kay Sandara kung bakit daw ganu’ng konsepto ang naisip nito.

Kung may nang-bash man kay Sandara, marami rin namang fans niya ang dumepensa rito at nagsabing “to hell with her haters. She’s not even naked.”

Sabi naman ng isang netizen, “She looks like aristocrat and I’ve seen it in some kdramas.”