HAVEY: Ang pagtutulu­ngan ng dalawang Filipino films na nag-open this week na Our Mighty Yaya ni Ai Ai de las Alas at Bliss ni Iza Calzado.

Magkaibang-magkaiba ang tema ng dala­wang pelikula pati ang target audiences nito kaya patu­loy itong nagpupursige para suportahan ng mas maraming audiences.

WALEY: Nag-suffer sa box office ang pelikula ni Sandara Park na One Step. Hindi mo talaga mape-predict ang trend at resulta ngayon sa box office.

HAVEY: Tagum­pay ang mga bading dahil sa pagkapanalo ni John Raspado ng Mr. Gay World sa Spain.

At isa pang bading na karakter ay ‘yung ginampanan ni Hero Angeles sa Maalaala Mo Kaya kahapon na labis na bumagay kay Hero.

HAVEY: Bravo sa pagbabalik-telebisyon ni Judy Ann Santos na nagsimula ng bagong season ng Bet On Your Baby kahapon.

Ngayon naman ang surprise sa kanya para sa kanyang birthday. Maganda ang timing ng bagong show na ito ni Juday.

WALEY: Waley si Megastar Sharon Cuneta dito para i-celebrate ang Mother’s Day at patuloy pa rin siyang nasa balita dahil updated tayo thru her FB page.

Ai Ai Delas Alas
Ai Ai Delas Alas

Mistulang journal ni Shawie ang kanyang social media account at ina­abangan na lang ng mga tao ang updates sa kanya through her posts.

Bakit kaya ayaw pa niyang umuwi?

HAVEY: Lumikha ng ingay ang Bb. Pilipinas-International na si Mariel de Leon sa kanyang tweets, “There are so many other unbiased, educated and respected (and respectful) people who deserve her place.”

Patungkol ito kay Mocha na na-appoint bilang Assistant Secretary ng PCOO.

Later on eh kumambyo si Mariel.

WALEY: Waley sagot ang kampo ni Ahron Villena tungkol sa kumalat na litrato niya.

Marahil, hindi niya inasahan ito dahil pa­nay gulat at papuri ang natanggap niya dahil dako at may ipagmamalaki siya.

ANG HAVEY NA PERSONALITY OF THE WEEK ay si Gla­dys Reyes na nagsilang na naman ng bagong anak na pagka-guwapo guwapo.

Umabot sa Mother’s Day at binisita ni Juday si Gladys.

Judy Ann Santos
Judy Ann Santos

Nagka-mini-reunion ulit sina Mara at Clara.

Pagkatapos ng maternity break ay balik-trabaho bilang artista at MTRCB Board Member ang asawa ni Christopher Roxas.

WALEY NA PERSONALITY OF THE WEEK AY SI MOCHA USON na suwerte sa bagong government position under Martin Andanar pero mawawaley na rin siya sa MTRCB. Ba­wal kasi ang double government position sa mga public servants.

We’d like to greet all the MOTHERS (in the truest and broadest sense of the word) ngayong araw na ito.

Sa pagpaparangal ng Box Office King and Queen mamayang gabi, patuloy tayong mamimili ng deserving na iidolohin — hindi katulad ng ibang young stars na patuloy pa ring nakikitang sabog sa clubs sa tabi-tabi.

Ingat sila at baka matokhang.

Hindi pa man sikat ang young star na ito, luoy na.

HAVE A BLESSED SUNDAY EVERYONE!!!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response