Sandara umaming iniyakan si Joseph Bitangcol

tonite-annyeong-rose-garciaMuling ipinaramdam ni Sandara Park ang pagi­ging “Pinay” pa rin niya. Kahit nakagawa na ng pangalan sa South Korea bilang isang singer, actress at ngayon ay host, never niyang kinakalimutan ang buhay niya sa Pilipinas.

Sa artikulong lumabas sa koreaboo.com, kung ang dati niyang kamiyembro sa 2NE1 na si CL ay komportable raw na magsalita sa wikang English, si Sandara ay natanong kung ganu’n din daw ito, considering na tumira siya sa Pilipinas sa loob ng 10 taon.

Pero ang naging sagot ni Sandara, “Well, I’m the most comfortable with Tagalog.”

Pag-amin ni Sandara, “It’s because I’ve had many experiences in Tagalog—dating, fighting, etc. I haven’t really dated a Korean before. So, I’m not as comfortable with it.”

Nahalungkat din ng koreaboo.com ang mga la­rawan nina Sandara at Joseph Bitangcol.

Inamin din nito sa mga nakaraang guesting sa “Get It Beauty” na iniyakan niya raw ‘yun nang husto at inakalang end of everything na for her, since first love nga niya.

Inamin din ni Sandara na nang mahimasmasan na siya, ang naging way niya to move on ay binenta raw niya ang mga naging regalo sa kanya. Inaya rin ang mga kaibigan at nagbakasyon sila. ‘Yun daw ang paraan niya to take revenge.

Nakalagay rin sa feature ng koreaboo.com na after a while, naging “platonic” na lang ang relasyon nina Sandara at ng ex niya na married na rin ngayon.

Si Sandara naman ay 34 na, still single at visible sa ilang variety shows sa Korea.