Sandi Patty positibo sa COVID-19

NI: Ronaline Avecilla

Nagpositibo sa coronavirus ang singer na si Sandi Patty. Naka-quarantine na umano sila ng kanyang asawa na si Don Peslis sa kanilang tahanan sa Oklahoma City.

Si Sandi Patty ay sumikat sa kanyang malupit na soprano vocal range. Nanalo siya ng limang Grammy, 31 Dove Awards at nakabenta ng milyong albums.

Sey niya sa video na binahagi sa Facebook , “Friends, today I received confirmation that I tested positive for COVID-19. I am at home and Don and I are under quarantine for the next 14 days.”

Hindi umano mabuti ang kanyang pakiramdam nitong mga nakaraang linggo. Kaya ng magpa-test ay nagpositibo siya sa virus.

Hinihikayat ni Sandi ang lahat na sumunod sa otoridad at palaging isagawa ang social distancing. Nagpapasalamat naman siya kanilang Health Department sa maayos na pg-handle ng kanyang kaso.

“This is not fake news. If you are not already practicing social distancing and STAYING HOME, DO SO NOW! This is what we can all do,” sey pa niya.

Grammy-winner Sandi Patty, Positibo sa COVID-19