Maaari nang mag-impake ng kanyang mga dadalhing damit sa Estados Unidos si dating Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima dahil pinayagan na ito ng Sandiganbayan na makaalis ng bansa.
Sa dalawang pahinang minutes proceeding ng Sandiganbayan Sixth Division sa motion to travel ni Purisima, pinayagan itong makaalis ng bansa mula sa Setyembre 5, 2015 hanggang Setyembre 27, 2016.
Ito ay sa kabila ng pagtutol ng prosecution na makaalis ng bansa si Purisima na nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay ng pinasok nitong kontrata sa delivery service ng mga lisensya ng baril sa Werfast.
Noong Biyernes ay naglagak na si Purisima ng kanyang travel bond na nagkakahalaga ng P30,000 kaya wala nang hadlang para sa kanyang pag-alis para madalaw ang kanyang anak na Jason Arvi I. Purisima, na nag-aaral sa Culinary Institute of America sa St. Helena, California.
Ang nasabing kaso ang naging dahilan para sibakin ng Office of the Ombudsman si Purisima sa tungkulin.
lumambot!!! he he he he he… magkano?!!! marami naman kase diyan na jusdges for sale,,,pweeee,,,nakaka suka kayo!!!