Maghaharap ng isang dosenang testigo ang pamahalaan laban kay Sen. Leila de Lima sa gagawing imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa pagkakasangkot nito sa iligal na bentahan ng droga sa National Bilibid Prison (NBP).
Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, karamihan sa mga testigo ay mga preso na nahatulan sa kasong droga.
Mayroon na umanong sinumpaang salaysay ang mga presong tetestigo laban sa senadora.
Ililipat umano ang mga nasabing preso ng pasilidad sa labas ng NBP para matiyak ang kanilang seguridad.
Kabilang din umano sa haharap sa imbestigasyon ng Kamara ang mga testigo na umano’y magpapatunay na si De Lima pa mismo ang tumanggap ng milyun-milyong piso sa kanyang bahay.
Galing umano ang pera sa mga high-profile drug convict na nakakulong sa Bilibid.
May pagkakataon pa umano na personal na inabot kay De Lima ang P5 milyong cash.
Ilan pa umano sa mga tetestigo sa pagdinig ay mga dating opisyal at agent ng NBI.
Nako! Magiging teacher ng mga to si Delimma. Kawawa lang tong mga toh, baka ipapatay din nila pra sisihin na nmn si Duterte.
bagong script na naman itong ilalabas ni sec aguirre,,mga preso naman ang mga witness,,,magkano kaya nilagay nila sa mga preso at anu anong pribilejo ibibigay ng mga tauhan ni digong sa mga preso….sino naman kaya mag iinterogate sa mga preso,,