Sandoval lafang, gasta habang ECQ

Sobrang nakaka-relate ang isang Twitter post ni former University of Santo Tomas Golden Tigress Carla Sandoval habang may Luzon-wide enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.

Kung ang ibang atleta kasi ay todo ehersisyo at indak o TikTok ang mga pinagkakaabalahan, iba naman ang kay volleyball player Sandoval.

Napagtanto ng 22-anyos, mas taas na 5-7 at outside hitter ngayong mas may pinahabang lockdown, na pagkain at pag-gastos ang ilan sa kanyang mga tunay na hobby.

“This quarantine has made me realize I truly have no hobbies except going out to eat and spending money,” tweet ng manlalaro ng Choco Mucho Flying Titans sa Premier Volleyball League (PVL).

Inaasahang matatapos ang ECQ sa darating na Abril 30. (Janiel Abby Toralba)