Sangalang, Lee muling binitbit ang Magnolia

Sangalang, Lee muling binitbit ang Magnolia

Sinandalan ng Magnolia ang balanseng atake, sa pangunguna nina Ian Sangalang at Paul Lee, upang muling matimbog ang Rain or Shine nitong Lunes ng gabi, 94-91, at itabla sa 2-all ang kanilang PBA Philippine Cup best of seven semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Naapektuhan ng lindol na may 6.1 magnitude sa Luzon sa alas-5:11 ng hapon ang maagang mga nasa playing venue bago pa ang laro kinagabihan, na pinatuloy pa ni PBA Commissioner Willie Marcial tapos ang isang panalangin.

Pumoste si Sangalang ng 19 points at 10 rebounds samantalang ayuda si Lee ng 15 markers at 5 boards. May 11 si Justin Melton, at 10 each sina Rome dela Rosa, Jio Jalalon at Rafi Reavis para sundan ang Game 3 win.
(Lito Oredo)