Sangalang, Magnolia bilagok ang Alaska

STANDINGS

TEAMS W L

Talk ‘N Text 4 0

San Miguel Beer 3 0

NLEX 4 1

Meralco 3 1

Magnolia 3 1

Columbian 2 2

Barangay Ginebra 1 2

Blackwater 1 2

NorthPort 1 3

Rain or Shine 1 3

Phoenix 1 4

Alaska Milk 0 5

Mga laro sa Miyerkules: (Cuneta Astrodome)

4:30 pm – NorthPort vs Talk ‘N Text

7:00 pm – Rain or Shine vs Phoenix Pulse

Humulma si Ian Sangalang ng 19 markers, 10 rebounds, 3 assists, 2 blocks 1 steal sa 25:54 off-the-bench job upang giyahan ang Magnolia Pambansang Manok sa paghigop sa Alaska Milk, 95-90, sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang makinang na pinakita ng center-forward ang nagkaloob ng ikatlong sunod nitong panalo sa kanyang brigada para bihulan sa 4th place ng team standings ang Meralco na 111-94 winner sa Phoenix Pulse sa likod ng triple-double ni Chris Newsome na may tigla-11 markers, boards at dimes.

May parehas na 4-1 ang Hotshots at Bolts, samantalang nabaon pa lalo sa burak ang Aces sa 0-5 at ang ang Fuel Masters ay ika-11 sa 1-4.

Nag-ambag si Romeo Travis ng 17 points, 15 rebounds, 5 assists, 3 steals at 2 swats habang may 13 puntos si Marc Barroca at 11 naman si Paul Lee para pa rin sa winning team.

Tanging anim na puntos lang ang naitalang biggest lead ng ng Aces mula sa lay-up ni Chris Banchero, may 6:31 sa first quarter, 12-6.

Si Jean Marc Pingris naman ang naghandog sa Magnolia ng 15 puntos na abante na pinakamalaki sa laroni Marc Pingris, 60-45, may 7:17 sa foiuerth period.

Ang iskor:

MAGNOLIA 95 – Sangalang 19, Travis 17, Barroca 13, Lee 11, Herndon 8, Dela Rosa 8, Jalalon 7, Pingris 7, Melton 3, Reavis 2, Pascual 0, Simon 0.

ALASKA 90 – Manuel 22, House 20, Banchero 17, Casio 9, Enciso 6, Tratter 6, Thoss 6, Ayaay 4, Galliguez 0, Pascual 0, Andrada 0.

Quarters: 20-20, 49-40, 71-70, 95-90. (Lito Oredo)