Sanggol gumaling sa COVID-19

Ligtas na sa coronavirus ang pinakabatang pasyente sa Pines City Doctors’ Hospital.

Ayon sa Baguio City-Public Information Office (BC-PIO), nakarekober na ang ang walong-buwang sanggol na babae na nagpositibo sa COVID-19 at na-confine sa Baguio General Hospital (BGH) nitong April 25.

Ayon sa medical record ng BGH, ang sanggol ay inilipat sa PCDH upang magrekober. At noong Biyernes (May 8) ay na-discharge na ito nang matiyak na negative na ito sa virus.

Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang ng sanggol sa mga medical frontliner na nag-asikaso sa kanila hanggang sa gumaling ang kanilang anak. (Allan Bergonia)