Patay ang isang lalaki na umano’y sangkot sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot at carnapping sa anti-illegal drug operations sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Alas-8:10 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng North Extension Office-Drug Enforcement Unit (NEO-DEU) sa pamumuno ni PInsp. Calixto Manjares sa isang bahay sa kahabaan ng NPC Road, Barangay 166, Caybiga ng nasabing lungsod at target ang suspek na si Armando Navera, 37-anyos, ng nasabi ngang lugar, ngunit sa kalagitnaan ng transaksyon ay nakatunog ang suspek at bumunot ng baril saka pinaputukan ang katransaksyon na undercover police pero nagmintis.
Doon siya ginantihan ng putok ng mga alagad ng batas na agaran niyang ikinasawi.
Narekober sa bahay ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang .45 caliber na baril at apat pang mga sachet ng shabu.
Narekober din sa lugar ang anim na nakaw na mga motorsiklo at ilan pang buong motorsiklo at mga piyesa na itu-turn over sa NEO-Anti-Carnapping Unit.