Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes ang tatlong pulis na hinihinalang nasa likod ng pagpaslang sa anak ni Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta at sa isang kasama nito.
Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip sina PLt. Col. Mark Joseph Laygo, dating Tayabas City police chief, P/Cpl. Lonald Sumalpong at P/Pat. Robert Legaspi.
Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng NBI sa Lucena City para sa imbesÂtigasyon.
Napatay sina Christian Gayeta, anak ng alkalde, at Christopher Manalo noong Marso 14 sa Tayabas City dahil umano sa shootout batay sa inilabas na police report.
Pero batay sa imbestigasyon ng NBI, walang engkuwentro na naganap. (Ronilo Dagos)