Santiago, Buitre muling mananagpang

STANDINGS
TEAMS W L
DLSU 7 2
NU 6 2
FEU 6 3
ADMU 5 3
ADU 3 5
UP 3 6
UE 2 6
UST 2 7

Mga laro ngayon:
(The Arena)
2:00 p.m. – UP vs UST
4:00 p.m. – ADMU vs NU

Itutuloy ng apat na teams ang pakikipagkarera para sa Final Four sa dalawang sultada ngayon sa 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament second round eliminations sa The Arena sa San Juan.

Pakay ng nasa segundang National University (6-2) na ulitin ang 25-19, 25-19, 20-25, 12-25, 15-7 win sa Ateneo de Manila University sa 1st round noong Pebrero 7, sa alas-kuwatro ng hapong hambalusan.

Nais din ng University of the Philippines na madalawahan sa alas-dos ng hapon ang tinumbang University of Santo Tomas noong Peb., 28, 31-33, 25-23, 25-16, 25-12.

Sina Jaja Santiago at Jasmin Nabor na mga tumahol ng 26 at 11 points sa unang sultada kontra sa nasa pang-apat na Lady Eagles (5-3), ayon sa pagkakasunod, ang mga aasahan ni Lady Bulldogs coach Babes Castillo.

Samantalang sa panig ni Lady Maroons, kakalasag naman si Coach Godfrey Okumu sina Ma­rian Buitre, skipper Diana Mae Carlos at Ma. Lina Isabel Molde laban sa nasa kulelat na Golden Tigresses (2-7).