Santiago handa nang bumomba sa Japan V-League

Dumating na sa Japan si UAAP MVP Jaja Santiago upang maglaro ng volleyball para sa Ageo Medics.

Inihayag ni Santiago sa kanyang Instagram stories na nakarating na siya sa Land of the Rising Star kasama ang kanyang ina.

“We’ve just arrived. Start of my new journey,” kapsyon ni Santiago.

Si Santiago ang kauna-unahang Filipina na makapaglalaro sa prestihiyoso Japanese V. Premier League. Pumang-pito ang Ageo Medis noong nakaraang taon kaya naman kinuha nila si Santiago.

Naglalaro ang Ageo Medis sa Saitama Division 1, ang pinakamataas na tier ng volleyball sa Japan.

Hindi lang si Santiago ang kaisa-isahang Filipino na maglalaro sa Japan dahil maglalaro rin si five-time UAAP MVP Marck Espejo para sa Oita Miyoshi Weisse Adler club.

Magsisimula ang Japanes V. Premier League sa Oktubre 28.