Ipinakita ni Jaja Santiago ang kanyang tikas sa panalo ng National University kontra University of Sto. Tomas sa kanilang huling laro.
Sinabayan ang bangis ng katunggaling si Sisi Rondina, ang pangunahing sandata ng Tigresses, upang tulungan ang Lady Bulldogs na sakmalin ang malinis na limang panalo.
Muling sasandalan ng L’Bulldogs si 6-foot-5 Santiago upang pahabain ng Sampaloc-based squad winning streak sa anim pagharap sa tigasin ding Far Eastern University sa 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament elimssa FilOil Flying V Centre, San Juan City.
Magsisimula sa alas-kuwatro ng hapon ang bakbakan ng NU at FEU.
Solo sa tuktok ng team standings ang NU, habang pakay ng Lady Tamaraws na suwagin ang pang-apat na panalo upang sumiksik sa second spot.
May kartang 3-2 ang FEU, mag-isa sila sa pang-apat na puwesto, magkasalo sa No. 2 ang defending champion De La Salle University at Ateneo de Manila University na may 4-2 cards.
“Basta gawin lang ‘yung game plan namin, sumunod lang kami at malaki ang chance namin na manalo ulit,” saad ni NU star Santiago. (Elech Dawa)