Mga bidang gamefowl breeder ang magtatagpo sa Pasay City Cockpit para sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” Day 2 finals ngayong Martes.

Buhat sa Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) ang mga kasali sa pangu­nguna ng pangulo na si Nick Crisostomo, at mga isponsor ang Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Mangunguna ang mga four pointer, tangka ang runner-up finish at posibleng kampeonato kung walang iiskor ng 9-0 (panalo-talo) sa Biyernes, Aug. 30.

Sila ay sina Arman Santos, Edwin Aranez, Raffy Campos, Cito Alberto, Cris de Jesus, Wilson Ong, Jasper Villamanto, Rey Liwanag, Willard Ty, Rep. Pol Dy, Nelson Uy, Doc Ric Tamboong, RJ Paras, Edward See, James Uy, Jess Mateo at Sandy Palito.

Kasama rin sina Angelito Marquez, Edwin Lumbres, Rhona Bullecer, Edwin dela Cruz, Hector Magpantay, Jeffrey Sy, Pet Policarpio, Joey Sevilla, Ted Macadagdag, Jimmy Junsay, Sonny Bello, Mamad Villarubio at Robert del Rosario.

Kasali rin mamaya ang may 2, 2.5, 3 at 3.5 points.
Sa mga detalye, kontakin si Erica sa 0945 4917 474, at Ace sa 0939-4724 206, 843 1746 at 816 6750. (Enjel Manato)