Tangang muli ang pito lang na basketbolista, ginulat ng Centro Escolar University sa likod ng 28 points at 10 rebounds ni Jerome Santos, ang Cignal-Ateneo, 77-74, sa 9th PBA D-League 2019 best-of-five finals Game Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naging mabangis din sa Scorpions bukod kay Santos si seven-footer Senegalese Maodo Malick Diouf na pumukpok ng 23 markers at Rich Guinitaran na naka-13 puntos.

‘Di gaya ng Game 1 kung saan natambakan sila, nakasabay sa girian ang Mendiola-based squad sa mga taga-Loyola. Ungos sa 53-52 sa wakas ng third quarter.

“We were able to redeem ourselves today, we will able to show a championship game and the only thing that I was telling the boys kanina is more of motivational, trying to make sure that they believe in themselves,” suma ni coach Derrick Pumaren.

“I wanna see the fight, I wanna see the competitiveness there and we showed it today,” panapos niya.

Naiposte ng Scorpions ang 10-point lead sa huling 5:13 ng payoff period bago umalagwa ang Blue Eagles pagtabla nito sa 72 sa huling 1:11 ng laro sa likod ng tres ni Josef Belangel.

Umangat pa sa 77-74 ang lamang CEU sa hu-ling 10.1 seconds at may pagkakataon pa sana ang Cignal-Ateneo na maipuwersa ang overtime pero mintis ang dalawang tres nina Adrian Wong at Belangel.

Nanguna sa Blue E­agles si Wong sa 17 pts at dalawang boards.
(Fergus Josue, Jr.)