Santos nagtayo ng basketball ring sa bahay

Dumiskarte na lang sa paggawa ng basketball ring si Philippine Basketball Association (PBA) star Arwind Santos upang muling makapaglaro ng nasabing sport na bread and butter niya.

Sa kanyang Instagram video, ipinasilip ng San Miguel Beermen player ang kanyang improvise hoop na kanyang ginawa sa loob ng kanilang tahanan.
Bulalas ng 38-anyos, tubong Angeles City, may taas na 6-4 na forward, “I really love to play basketbol. Hindi ko na talaga matiis ang hindi maglaro ng basketball kaya ginawan ko ng paraan talaga 🏀😉🙉.”

Natengga ang mga pro league na nakaisang laro pa lang sa 45th season Philippine Cup elims noong Marso 8 dahil sa coronacirus disease 2019 o COVID-19 tungo sa pagkakaroon ng enhance community quarantine noong Mar. 17.

Sa pagkaantala ng schedule, inaasahan na magkakaroon na lang ng isa-dalawang conference ang PBA sa oras na humupa na ang virus pandemic. (Janiel Abby Toralba)