Santos nilambat ang Marlins

Sapat na ang krusyal na siyam na puntos na may kaakibat na 11 rebounds, 3 assists at tig-1 assists at steal ni Allan Santos para mahuli ng Valenzuela Carga Backload Solution ang Sarangani Marlins, 89-84, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2029-2020 elims Biyernes sa San Andres Sports Center, Malate, Manila.

Maagang hinabol ng Valenzuelanos ang manipis na tatlong puntos ng Sarangani at nakalayo nang hanggang 14 sa laro tungo sa pagkalas sa three-game slide at umangat sa 10-15 win-loss record para sa pagsalo sa Group A 10th place sa Quezon City Capitals.

Walang bisa ang 21 markers at 17 boards ni Pari Llaga sa Marlins na nalunod sa ika-23 pagkakataon sa 24 na laro para mabaon sa ika-15 o kulelat sa Group B.

Ang iskor:
Valenzuela 89 – Gimpayan 17, Acuña 16, Sta. Maria 12, Hubalde 11, Santos 9, Asuncion 8, Ruaya 7, Armenion 3, Poligrates 3, Diego 2, Ricafort 1.
Sarangani 84 – Llagas 21, Dimapiles 16, Medalla 12, Catacutan 10, Estrellante 9, Eman 5, Clavel 4, Morada 3, Timon 2, Nocos 2. (Aivan Episcope)