Santos nilampasan si Victorino sa butataan

Santos nilampasan si Victorino sa butataan

Nilista ni San Miguel Beer veteran forward Arwind Santos ang pa­ngalan sa record books sa bukana pa lang ng PBA Philippine Cup semifinals Martes nang gabi kontra Phoenix.

Sa 10:37 mark ng first quarter sa Cuneta Astrodome, binutata ni 6-foot-4 Santos si reignin­g Rookie of the Year Jason Perkins.

‘Yun din ang unang shotblock ng Game 4.

Angat si Spider Man sa No. 7 ng PBA all-time list ng shot blocks, nilagpasan ang 817 ni Manny Victorino.

Sunod na tatangkaing habulin ng Lubao, Pampanga native si No. 6 Abet Guidaben na nakapaglista ng 922 sa 20-year career.

Mula 1975-1995, nakapaglaro sa walong teams si Guidaben at naging instrumento sa dalawang grand slam titles ng Crispa Redmanizers noong 1976 at 1983.

Naging two-time MVP rin si Guidaben noong ‘83 at ‘87, kasama sa siyam na multiple winners ng award.

Ang 37-anyos na si Santos ay No. 2 pick ng Air21 noong 2006 bago nalipat sa San Miguel noong 2009. (Vladi Eduarte)